Divine Mercy Conference

Session 1

 

Session 2

DIVINE MERCY CONFERENCE

DIVINE MERCY CONFERENCE
Parish of the Lord of Divine Mercy
April 26, 2014

Session 2, 11am
Topic: Man and Mercy
Speaker: Fr. Peter Julian Eymard Balatbat
Parish Priest of St. Paul of the Cross Parish

Good morning, everybody!
God is Good! All the time!
All the time. God is Good!

I was given the task to give you the talk on the topic, Man and Mercy. As we celebrate the Feast of the Divine Mercy, maganda po itong pagkakataon para tayo ay makapag-nilay, makapag-aral tungkol sa Awa ng ating Panginoong Diyos. Pero nais ko po munang bilang jumping board before I go to the real essence of the talk, I want to start with: Man is created in the image and likeness of God from Gen 1:26. Ang tao bilang siyang pinakamataas sa lahat ng nilikha ng Diyos ay nilikha Niya ayon sa Kanyang wangis at larawan. From the beginning, God created us in His image and His likeness. Tignan nga po ninyo ang katabi ninyo. Nakita ba ninyo ang Diyos sa katabi ninyo? Amen.

All of us are an image of God. Kaya nga sabi daw po kapag may nakita tayong nakasimangot na kapatid, sabihin ninyo, “Kapatid, huwag kang sumimangot.” Kung baga kasi daw ang mga nakasimangot ay mukha ng demonyo. Kaya huwag kayong sisimangot. Dapat laging nakanginti. That we always exude a personality na kung baga kagigiliwan tayo, na kinapupulutan tayo ng pagmamahal ng inspirasyon ng ating kapwa. Amen.

Nilikha niya ang lalaki at babae at sila ay pinagpala niya. Man occupies a unique place in His creation. He is the image of God in His own nature. He unites the spiritual and material worlds. Na kung baga bilang tao pinagkaisa po sa atin ang ispiritwal at makamundong bagay. He has created male and female, lalaki at babae. Noong tayo ay nilikha ng Diyos, nakipagtipan din ang Diyos sa atin. Nangyari po ang unang pagkakataon na nakipagtipan ang Diyos noong si Moises ay umakyat sa bundok ng Sinai. At dito nga ay ipinagkaloob ng Diyos ang 10 commandments. And this is the start of God’s covenant with man. Of all visible creatures, only man is able to know and love His creator. Tayo bilang tao, tayo lamang ang nakakaalam at tunay na makapagmamahal sa Diyos. Even animals cannot know and love God. It’s only Man. Tao lamang, he is the only creature on Earth that God has willed for its own sake. Na kung baga sa lahat ng nilikha ng Diyos, ang tao lamang ang pinagkalooban niya ng handog na mag-isip at gayon na din ng kalayaang pumili ng masama at ng mabuti. And he alone is called to share by knowledge and love in God’s own life. Na kung baga po tayong mga nilikha ng Diyos, we share in the life of God. Nakikibahagi tayo sa buhay pagka-Diyos. We share in the Life of God. Amen.

It was for this end that he was created. Kaya nga, in the end, God created man. Nilikha ng Diyos ang tao. And this is the fundamental reason for his dignity. Ano ang dignity ng tao? – That we are created in the image and likeness of God. Kaya nga dapat po hindi natin sinasaktan ung kapwa natin, hindi natin ginagawan ng masama ang kapwa natin, hindi natin pinag-iisipan ng masama ang kapwa natin, hindi tayo nagbabalak ng masama sa ating kapwa. Because our neighbor and each one of us represents God. Being in the image of God, the human individual possesses the dignity of a person who is not just something but someone. Hindi lamang tayo isang bagay, kundi tayo ay isang nilikha na kayang mag-isip, na kayang magmahal, na kayang maglingkod, na kayang ibigay ang nararapat para sa Diyos. He is capable of self-knowledge, of self-possession, and of really giving himself and entering into communion with other persons. Kaya nga sinasabi, “man is a social being.” We cannot exist in our own selves. “No man is an island.” Hindi po pwedeng maging mag-isa lamang ang tao. Kaya nga, noong makita ng Diyos na malungkot si Adan, nilikha niya si Eba. Mula sa tadyang ni Adan, nilikha ng Diyos si Eba. He is called by grace to a covenant with His creator. Na tayo bilang nilikha ng Diyos, God took the initiative to make His covenant with us. Nakipagtipan ang Diyos sa atin.

To offer him a response of faith and love, that no other creature can give. Kung baga sa pagpapahayag ng Diyos, sa paglikha ng Diyos sa atin, ano ang tugon ng tao? Ang tugon ng tao ay pag-ibig at pananampalataya. Love God with all your heart, with all your mind, with all your soul and with all your strength. And to love your neighbor as you love yourself – the two greatest commandments that summarize the 10 commandments. God created everything for man. Lahat ng nakikita po natin sa ating kapaligiran, lahat iyan ay nilikha ng Diyos para sa atin. But man in turn was created to serve and love God and to offer all creation back to Him. So, tayo, dahil ibinigay ito lahat sa atin ng Diyos, marapat lamang na bilang pagganti ay paglingkuran ang Panginoong Diyos. Mahalin ang Panginoong Diyos. That is our obligation: To serve and to love God.

Ang tao ay nilikha para paglingkuran at mahalin ang Diyos. Nangangahulugang dapat niyang ipamalas ang gawain at katangian ng Diyos sa kapwa. So tayo bilang tinawag na maglingkod at magmahal, and from the beginning we are created in the image and likeness of God, it follows na sa ating paglilingkod sa ating pagmamahal, dapat nakikita sa ating pagkatao ang katangian ng Diyos. Amen.

Na kung baga kung ika’y naglilingkod, dapat makita sa iyo ang awa ng Diyos. Kung ika’y nagmamahal, dapat makita sa iyo ang compassion ng Panginoong Diyos. That in all the things that we do, in serving, in loving God, that we show this by loving and serving our neighbor foremost. Dapat makita sa ating pagkatao, ang pagkatao ng Diyos. Na kung baga, nasa sa atin, sumasaatin ang katangian ng Diyos. Because as God’s creation, we represent God. Kasi nga from Gen 1:26, we are created in the image and likeness of God.

Bakit ito ang aking naging jumping board. Kasi po kanina diniscuss po ni Fr. Jojo Zerrudo iyong pong God and Mercy. Bakit? Sapagkat kailangan po nating makita kung ano ang katangian ng Diyos, ano ang natura na Diyos. We have to know the nature of God. At sinabi nga niya, that the second name of love is mercy. Kaya nga po sinasabi ko, mercy is the greatest attribute of God. Mercy is the greatest attribute of God. In the diary of St. Faustina, our Lord expressed His desire to St. Faustina that the whole world be told of His mercy. So noong nagpapahayag ang Divine Mercy kay St. Faustina, sinasabi po Niya na dapat ipahayag ang Kanyang awa. To proclaim His Mercy. And He promised to defend throughout their lives those who proclaim His Mercy. You see the promise of the Divine Mercy – kapag ipinapahayag mo ang awa ng Diyos sa iyong buhay, sa iyong kapwa, sa huli, ikaw ay pagpapalain ng Diyos. Ikaw ay ililigtas ng Diyos.

God is Good. All the time.

As from diary 301, from the diary of St. Faustina, it says, “Proclaim that mercy is the greatest attribute of God. That all the works of my hands are crowned with mercy.” Lahat po ng ginawa ng Diyos ay may kalakip na awa. When He healed the sick, when He proclaimed His word, noong pinapalayas niya ang mga hinahalihan ng masasamang espiritu. All that God is doing, all that Jesus is doing, it all boils down to His mercy. Lahat iyon. Kaya ginawa iyon ng Diyos mula sa Kanyang puso, ay naroon ang Kanyang awa, His mercy. Na ang sinumang lumalapit sa kanya ay hindi Niya ito kayang talikuran. Hindi Niya ito kayang hindian. Everyone who comes to Him, they receive healing, they receive the love of God, they receive the compassion of God. Why? Because God’s heart is full of mercy; unfathomable and immeasurable mercy. Bumabalong like flowing streams parang ilog na hindi nawawalan ng tubig; patuloy na umaagos. At ganyan tayo kamahal ng Diyos. Ganyan bumubuhos ang awa ng Diyos para sa ating lahat.

In diary 687 “I desire that the whole world know my infinite mercy.” Hinangad ng Diyos na ipahayag ni Sta. Faustina ang walang hanggang awa ng Diyos. God’s unfathomable mercy. “I desire to grant unimaginable graces to those souls who trust in My Mercy.” Kaya nga po doon sa kanyang signature, “Jesus I trust in You.”

“Fear is useless, all I need is your trust.” Hindi ba po dumarating minsan sa punto ng buhay natin, that we doubt. Nagdududa tayo o di kaya’y nawawalan tayo ng pag-asa dahil sa ating karamdaman, sa ating mga kabiguan, sa mga sufferings na dumadaan sa buhay natin. With all these things, minsan iniisip mo, Lord naglilingkod naman ako sayo. Nagsisimba ako araw-araw. I’ve been hearing Your Word every day and receiving communion every day. But why me? Bakit ako pa ang nagkasakit? Bakit ako pa ang may cancer? Why give me all these sufferings? Why give me all these hardships? Why ako pa? Why give me all these troubles, Lord? I have been so faithful to you. Bakit hindi na lang iyong kapitbahay ko na araw-araw nakikita kong nag-totong-its, araw-araw nakikipag-tsismisan, araw-araw sinisiraan si Father, tsini-tsismis si Father. Bakit hindi na lang iyon? Why me Lord? Sometimes we ask God. Pero sabi nga, wala tayong karapatang tanungin ang Diyos. We have no right to question God, “Why?” Why are all these things happening to me?

But this is part of our trials. This is part of our purification. Alam po ba ninyo, sa bawat suffering na ibinibigay sa atin ng Diyos, that is our fortification, that is our purification. Pinu-purify ni Lord yung isip mo, yung puso mo para maalis yung pagdududa mo, yung galit mo, yung sama ng loob mo, yung hinanakit mo. Tinatanggal lahat sayo iyon ni Lord. Gusto Niya kahit ikaw, sabihin natin ay nakakaranas ng hirap, ng sakit, ng pagod, you still serve God. Nakataas pa rin ang kamay mo, praising and thanking God.Nakangiti ka pa rin. Lagi laging nakikita sayo umiiyak ka, nakasimangot ka, hindi ganun dapat. Ang naglilingkod kay Lord, you always put your trust in Him and never doubt in Him. Kaya nga ang sikreto ng mga naglilingkod kay Lord, ay iyong pagtitiwala sa kanya. At iyong mga nagtitiwala kay Lord, kahit may problema, hindi tumatanda. Lalong bumabata. Amen.

Ako, tatanungin ninyo edad ko, I am already 52. But, my secret is I mange my stress by always trusting in the Lord. Iyong stress, hindi ko hinahayaang i-enslave ako ng aking stress. Bakit ako mababagot? Bakit ako maiinis? Bakit ako magagalit? “Shh. Problema’y dumarating, itoy Kanyang lulutasin, shooo.” (song) Tanggalin mo ‘yan! You offer it to God. Because God’s mercy is infinite. Amen. Palakpakan natin ang Panginoon.

Hindi mo mai-imagine sa buhay mo. Kaya nga, minsan I always thank God, “Lord thank you. Thank you Lord.” Wala na po ako masambit sa Panginoon kundi, “Thank you.” Kapag may dumarating na problema, “Lord, ikaw na ang bahala. Divine Mercy, I trust in You.” Alam ninyo iyong solusyon sa problema, agad-agad dumarating. Minsan sinasabi ko, “Lord, agad-agad nandyan. Agad-agad.” But that’s how God loves us. Kung magtitiwala ka lang sa Panginoong Diyos ay darating talaga ang solusyon. Wala namang ibinibigay na problema ang Diyos, na walang solusyon. Everything has its solution.

Ang gusto lamang ng Diyos, makita mo ang wisdom, bakit ibinigay sa iyo ng Diyos ang ganuong suffering, ang ganoong problema, ang ganoong difficulties. Noong dumating sa punto na nagrereklamo ka, nagtatanong ka; because if you do those things, ibig sabihin you are doubting the power of God. You are doubting the mercy of God. Alam ninyo po noong ako po ay tumugon sa pagpapari, noong ako ay sumagot na, “Lord, Yes, I will follow You. I would like to be a priest.” Kasi ako po, late vocation na po ako. Pumasok na po ako, nakapagtapos na po ako ng kolehiyo, nagtrabaho na po ako. I entered the seminary at the age of 27. And nuong pumasok po ako sa seminaryo, at that time, our family was experiencing financial crisis. Ako po nakakatulong sa pamilya because I was working at the same time I was studying. Pero nakikita ko kung papaano kumikilos ang Diyos. Lalo na po noong pumasok na po ako sa seminaryo, nakita ko talaga ung awa ng Diyos, na iyong mga problema namin sa araw-araw, nakita ko kung paano ito pinupunan ng Diyos, kung paano ito binibigyang solusyon ng Panginoong Diyos. I can be a witness to that. Sa loob ng 15 years of my ministry as a priest, God has never abandoned me. Because I have put my trust in Him.

“Tell my daughter that I am love and mercy itself. When a soul approaches me with trust, I fill it with such an abundance of graces.” (Diary 1074) Sinabi ng Panginoon kay Sta. Faustina, “Palapitin mo sa Akin, ung mga nakakaranas ng hirap, ng sakit, ng pagod. At kapag sila’y lumapit sa Akin, at nagtiwala sa Akin, I will put graces upon them abundantly.” Siksik. Liglig. At umaapaw pa.

God’s grace, God’s mercy is so abundant. Kapag tayo ay lumalapit sa Kanya ng may pagtitiwala. “…that it cannot contain them within itself, but radiates them to other souls.” (Diary 1074) “My daughter, know that my heart is mercy itself.” (Diary 1777) So, ang puso ng ating Panginoon, ang pagkatao ng ating Panginoon ay ang awa.

Kaya nga, mercy is the greatest attribute of God. “From this sea of mercy, graces flow out upon the whole world. No soul that has approached Me has ever gone away unconsoled.” (Diary, 1777). Hindi po ba tayo, kapag may problema ka at ikaw ay pumunta sa Adoration Chapel. Hinihinga mo sa Diyos iyong problema mo. Ako madalas, kapag nasa loob ng Adoration Chapel, nakikita ko ung mga nag-aadore, umiiyak. They’re really crying. And, damang-dama ko kung ano ung pinagdadaanan ng taong iyon, na umiiyak siya. He’s blurting out to God all his problems. At nakikita ko na kapag lumabas na siya ng Adoration Chapel, masaya na siya, nakangiti na siya. Sapagkat naroon mga kapatid, sabi nga, kapag tayo’y talagang nagtitiwala sa Diyos, and you surrender everything to God, “you let go and let God work in your life.” Eh doon kikilos ang grasya ng Diyos. The mercy of God will work in us.

“All misery gets buried in the depths of My mercy.” (Diary, 1777) Na kung baga mga kapatid, dahil sa awa ng Diyos, ang lahat ng ating pinagdadaanan sa buhay, lahat yan natatabunan ng awa ng Diyos. Tinatabunan niya iyan ng Kanyang awa. Kaya nga kapag may lumalapit po sa akin, for counselling, for healing, lalo na po kapag talagang ung tao ay desperado, I always speak about the mercy of God. Ipinadarama ko sa kanya na mahal na mahal siya ng Diyos. Na ibinigay sa kanya ng Diyos ang ganyang problema, it’s because God loves you. Mahal ka ng Diyos.Mahirap naman po kapag wala tayong problema, dahil pag wala tayong problema, abnormal ka. If we don’t have any problems in life, we are abnormal. Sige, taas ang kamay dito ng walang problema. Lahat tayo may problema. Kahit kaming mga pari, may problema kami. Walang naglilingkod sa Diyos na walang problema. Kaya nga diba, sinasabi ko sa inyo, “Problema’y dumarating, ito’y Kanyang lulutasin, shoo. Si Hesus ang lahat sa buhay kung kaya may saya.” (song) And that’s the secret of my youthfulness. I always smile in the midst of problems, in the midst of difficulties. Pinipilit kong ngumiti at magtiwala lagi sa Diyos. Sabi nga kahit anong paglalagay mo sa mukha mo, maglagay ka ng Belo Products, maglagay ka ng Calayan products, ipabanat mo na ang lahat, kung ano man ang ipapabanat mo sa mukha mo, but if you do not know how to manage your problems, your difficulties in life, and if God is not in your life, lalo kang tatanda, lalong dadami ang kulubot sa mukha mo. The secret of being young of heart is always trusting in the love and mercy of God.

God is good. All the time.
All the time. God is good.

“My daughter, I desire that your heart be an abiding place of My mercy. I desire that this mercy flow out upon the whole world through your heart.” (Diary, 1777) Na kung baga, ginamit ng Diyos si Sta. Faustina. She is an apostle of the Divine Mercy. Siya ang ginamit para ipahayag itong awa ng Diyos sa atin. But at a time, bi-nan ang pagdedebosyon sa Divine Mercy. And it was only in the time of Blessed John Paul II, during his reign, during his papacy, na ibinalik niya. Kaya nga, let us thank Pope Blessed John Paul II who will be canonized tomorrow. Bukas na siya gagawing santo together with John XXIII. Magpasalamat tayo sapagkat sa pamamagitan niya, ginamit sila ng Diyos para ipagpatuloy ang debosyon sa Mabathalang Awa, sa Divine Mercy.

“Let no one who approaches you go away without that trust in My mercy which I so ardently desire for souls.” (Diary, 1777) Na kung baga sa pagdedebosyon natin sa Mabathalang Awa, ay naroon sa huli, lahat tayo, we are being used by God as His instrument, as His vessel of mercy. Dahil pinagaling tayo ng Diyos, we become a wounded healer and now we partake, we share that mercy to others. Tayo, ngayon ang nagbabahagi ng awa ng Diyos sa iba. “From all my wounds, like from streams, mercy flows for souls, but the wound in my heart is the fountain of unfathomable mercy.” (Diary, 1190) Kaya nga di po ba nang siya ay nakabayubay sa krus, tinulos ang tagiliran niya malapit sa puso. What came out? – Blood and water which represent the two sacraments – the sacrament of reconciliation and the sacrament of baptism. And also the Eucharist. Na kung baga ay, dito mga kapatid, ipinadadama sa atin ng Diyos, that by receiving the sacraments, we partake of God’s mercy. Tinatanggap natin ang awa ng Diyos. Kaya nga nakakalungkot, kung bibihira tayo mangumpisal. Alam ba po ba ninyo, kapag hindi ka nangungumpisal nandito ung kasalanan. And sin becomes a hinder for God’s grace and mercy to enter into our lives. Kaya kung gusto mong dumaloy ang awa at grasya ng Diyos, kinakailangang mangumpisal for us to receive the grace again, that supernatural grace. Na iyon iyong grasyang tumutulong sa atin para mapanatili natin ang kabanalan sa ating pagkatao. Because once we commit sin, nawawala po iyong supernatural grace at kumikilos po dito iyong another grace which is actual grace. Iyong actual grace, iyan po ang tumutulak sa atin para po tayo ay mangumpisal. At kapag tayo’y nakapangumpisal, tumitigil muna si actual grace dahil napanumbalik na iyong supernatural grace. At iyon iyong awa ng Diyos. Iyong awa ng Diyos na sa araw-araw tinatawag tayo para magsisi, at para magbalik loob. Di po ba iyan po iyong tema ng Lenten Season, “Repent and believe in the Gospel.” Kaya nga tayo nagpapahid ng abo bilang tanda na tayo ay nagsisisi at nagbabalik-loob sa Diyos. At iyon ay nagpapatuloy. That never ceases. Hindi porket tapos na ang Lenten Season, tayo ay nasa Easter Season, patuloy pa rin nating ginagawa iyan. So that, the mercy, the love, the grace of God will continue flowing in us like a stream. Hindi tumitigil.Overflowing.

“My daughter, I demand through you that people revere my mercy.” (Diary, 742) Ibig sabihin, kinikilala natin ang awa ng Diyos.

“You should be the first to distinguish yourself by this confidence in My mercy.” (Diary, 742) Ibig sabihin, si Sta. Faustina, bilang ginamit na instrumento ng Diyos, siya ang dapat unang kakitaan na tunay na kumikilos ang awa ng Diyos sa kanya, bilang an apostle to the Divine Mercy.

“I demand from you deeds of mercy.” (Diary, 742) Deeds, gawain ng Awa.

“Which are to arise out of love for Me.” (Diary, 742) Ibig sabihin gagawin mo ang mga bagay na ito dahil ito ung pamamaraan ng pagpapakita mo ng paglilingkod at pagmamahal sa Diyos.

“You are to show mercy to your neighbors always and everywhere. You must not shrink from this or try to excuse or absolve yourself from it. I am giving you three ways of exercising mercy toward your neighbor: the first – by deed, the second – by word, the third – by prayer. In these three degrees is contained the fullness of mercy, and it is an unquestionable proof of love for Me. By this means a soul glorifies and pays reverence to My mercy.” (Diary, 742)

“…But there must also be acts of mercy, and I demand the worship of My mercy through the solemn celebration of the Feast.” (Diary, 742) Feast of the Divine Mercy.

Iyon ung unang proof. Iyon ung unang deed na dapat nating gawin – to celebrate the solemn feast of the Divine Mercy and the Veneration of the Image of the Divine Mercy with the signature, “Jesus I trust in You.” So, iyon iyong unang-unang deeds of mercy na dapat nating gawin. To celebrate the solemn Feast of the Divine Mercy and to venerate the Image of the Divine Mercy. From this book, the diary of Sta. Faustina, ito po talaga ung original painting (showing the painting of the image of the Divine Mercy)This is the original painting. So ito po iyong talagang pinaka-original ng pagkakapinta ng imahe ng Divine Mercy.

“By means of this image I shall grant many graces to souls.” (Diary, 742) Kaya every third Friday of the month, sa adoration chapel po namin, I always say Mass every third Friday of the month sa Adoration Chapel. At sa aming adoration chapel, iyan po ay punung-puno ng devotees, propagators ng Divine Mercy sa Parish. Inilaan po namin sa third Friday, iyong debosyon sa Divine Mercy. And we exposed a big image of the Divine Mercy and we venerate. I pray for healing and everything. And people come in line, touching the image of the Divine Mercy. And you know, maiiyak ka. Iba.Ibang-iba iyong pakiramdam. You venerate and touch the image of the Divine Mercy. And they receive healing. At talagang iba.Nag-iiyakan. And which we cannot control it. It comes out naturally. Because that’s how they feel the mercy and the love by venerating on the image of the Divine Mercy. And during the feast day, I make it a point, that before the procession, I pray again for healing and we spend at least 30 minutes before the procession, venerating first on the image of the Divine Mercy. People line up. They touch the image. Iba! You can see how the mercy of God works in them. At natutuwa naman po ako dahil dumadami ang nagiging devotees and propagators of the Divine Mercy. Sabi nila, ng ibang pari which hindi naman po nating pwede, sabihin napo nating i-contest, dahil marami pa rin po sa aming mga pari, ang sabi nila, tama na iyong, Sacred Heart devotion. Huwag ng papasukin ung Divine Mercy devotion. But Divine Mercy devotion is different from Sacred Heart devotion. Although ang focus ay iyong puso. Because of the heart, there comes out blood and water. But the devotion to the Divine Mercy, the center of the devotion is THE MERCY. Iyong awa ng ating Panginoong Diyos.Because the whole person of God is MERCY. The whole heart of God is Mercy. Iyong kanyang awa.

Kaya mga kapatid, sa aming diocese, we are really working it out na makapasok sa lahat ng parokya ang debosyon sa Divine Mercy. Iilan na lamang po sa aming diocese ang wala pang devotion. Pero sinisikap namin na talagang makapasok ang Divine Mercy sa bawat parokya. At doon ninyo makikita mga kapatid, alam niyo just one experience, during Ondoy. Alam ninyo po sa bahay, may malaki po akong image ng Divine Mercy. Alam po ninyo, we were spared. Iyong mga kapitbahay namin, nalubog ung bahay. Oo, ang ibig kong sabihin na we were not spared, iyong bahay namin hindi umabot ung tubig hanggang kisame. Hanggang dito lang po – sa bukung-bukong. Maeexplain ko ba un? No. I attribute that to the Divine Mercy. I attribute that. Iyong isa po naming kasamahang pari na nagppropagate ng Divine Mercy sa Lucena Quezon, I don’t know lang kung anong bagyo po iyon, may image ng Divine Mercy sa kanilang bahay, alam po ninyo, lahat ng kapitbahay nila nawasak ang bubong, nasira iyong pader, it was only their house that was spared from the typhoon. Why? Because there was an image of the DM enthroned in their house. At siguro iyong prayer ng nanay niya sa Divine Mercy na iligtas sila. And it’s true. Na tayo mga kapatid, sinasabi ng Diyos na talagang ilathala mo, ipahayag mo ang awa ng Diyos, that Deeds of Mercy.

“O my Jesus, You yourself must help me in everything because You see how very little I am.” sabi ni Sta Faustina. “And so I depend solely on Your goodness, O God.” (Diary 742)

“Be not afraid of your Saviour, O sinful soul. I make the first move to come to you for I know that by yourself, you are unable to lift yourself to Me. Child, do not run away from your Father; be willing to talk openly with your God of Mercy who wants to speak words of pardon and lavish his graces on you. How dear your soul is to Me! I have inscribed your name upon my hand.” Kung baga po nakasulat na sa palad ng Diyos, ang ating mga pangalan. Pano tayo makakalimutan ng Diyos? How will God forsake us and abandon us? Gaya nga ng sinabi ni Fr. Jojo Zerrudo, malimutan man tayo ng lahat, hindi tayo kayang kalimutan ng Diyos. Because God remains faithful in His promise to us. Tapat ang Diyos sa atin.

“My child, do not fear of God’s mercy.” Huwag daw po nating katakutan ang awa ng Diyos. “My holiness does not prevent Me from being merciful. Behold, for you I have established a throne of mercy on earth-the tabernacle-and from this throne I desire to enter into your heart.” Kaya nga po every time we pass by the tabernacle, we bow. Because we believe that there is the presence of God. Nandun ang Diyos.Buhay ang Diyos. Kaya kapag nakikita natin ang tabernakulo, either we bow, we genuflect because we believe that there is Jesus. “I am not surrounded by a retinue or guards. You can come to me at any moment, at any time; I want to speak to you and desire to grant you grace.” Kaya po kayo, pagnag-visit po kayo sa tabernacle, just sitting there, silently praying without all you knowing, you are already receiving the grace of God. And without all you knowing, naiiyak kana. And without all you knowing, solve na ang problema mo. Ganun kumikilos ang Diyos. Ganun tayo kamahal ng Diyos.

“My daughter, look into my heart, and reflect its compassion in your own heart and in your deeds. So that you who proclaim my mercy to the world may yourself be a flame with it.” Na kung baga ang puso natin ay nag-aalab na maipahayag sa ibang tao ang awa ng Diyos lalo na po sa amin bilang Man of God. We are always being expected that we always proclaim the mercy of God. Hindi po ba minsan kapag naka-angas, kapag nakataas ang boses ni Father, kapag sumisigaw si Father, sasabihin, “pari ka pa naman.” I remember my mom. Alam ninyo po kapag umuuwi ako ng bahay, siyempre sa nanay mo lang nasasabi kung ano ang problema sa parokya, sinasabi mo sa kanya lahat. Tapos kapag naiinis ka sakanya mo lang sinasabi. Alam niyo lagi sasabihin ng nanay ko, you are a man of God. “Pari ka.Dapat ikaw ay mapagmahal.Dapat ikaw ay maawain.”Pero ang hirap. Eh tayo nga diba, may nakaharap ka lang kainisan mo, nakataas ang boses, kapag nanunuod ako ng Legal Wife, apektadong-apektado ako kahit wala akong asawa pero parang nakakainis diba. So kapag nakikita mo ung taong kainisan mo, ganun din kaya lagi sinasabi ng nanay ko, “Anak, pari ka.” Iyon ung pumapasok lagi sa isip ko. Na hindi madali ang ipakita ang awa ng Diyos lalo at ikaw ay tao lamang. Mahina, marupok, makasalanan.Pero nanduon iyong challenge.Di po ba? China-challenge tayo ng Diyos na sa araw-araw, eh kahit nakikita mo ung makukulit mo na mga parishioners, kasasabi mo lang, ito nanaman. “Father ano po ba gagawin.” “Eh diba inexplain ko na sa iyo.” Kaeexplain mo pa lang, tatanungin ka nanaman ulit. Iyong mga makukulit, every day kaharap mo sila. But you know, this is the challenge for all of us. Na talagang maipakita mo, maipadama mo ung awa ng Diyos.

“..the greatest sinners place their trust in My mercy. They have the right before others to trust in the abyss of My mercy. My daughter, write about My mercy towards tormented souls. Souls that make an appeal to My mercy delight Me. To such souls I grant even more graces than they ask. I cannot punish even the greatest sinner if he makes an appeal to My compassion, but on the contrary, I justify him in My unfathomable and inscrutable mercy. Write: before I come as a just Judge, I first open wide the door of My mercy.”

So bago daw dumating ang final judgement, nauuna higit sa lahat ang awa ng Diyos. Kahit anong kasalanan mo, at the last breath of your life, you say, “Lord, forgive me and I am sorry.” Papatawarin ka ng Diyos. God will forgive you. God will save you. Patatawarin ka pa rin ng Diyos kahit anong kasalanang nagawa mo. He will be a just judge and not a punishing God, but a merciful God. Nandun pa rin iyong awa niya. Kahit sabihin na natin ung mga taong nagpatiwakal, nagsuicide, noong araw hindi po iyan pinapapasok sa simbahan pero ngayon, because ang pinaiiral natin ung awa ng Diyos, malay ba natin sa huling araw, sa paghuhukom, ay naroon iyong awa ng Diyos. Sa mga ganitong taong nagpatiwakal, sa mga taong lumayo sa Diyos. “My daughter, my pleasure and delight nothing will stop me from granting you graces. Your misery does not hinder My mercy. My daughter write that the greater the misery of the soul, the greater its right to My mercy.” The more that you suffer, the more that you are in misery, the more that God’s mercy will fall upon you. Amen. Kaya wag kang malulungkot kung may cancer ka. Wag kang madedepress kung nalugi ka sa legosyo. Lahat iyan isuko mo kay Lord. At ibabalik din ‘yan ulit sa iyo ni Lord. Just trust in Him.

Sabi nga po sa 1 John 3:17-18, “How does God’s love abide in anyone who has the world’s goods and sees a brother or sister in need and yet refuses to help? Little children, let us love not in word or speech, but in truth and action.” Faith without good works is useless. Ito ang problema kasi pag may nanguutang. Kapag pag-uusapan ung utang. May lalapit sayo na may “Mare, pautang naman. Gipit lang ako.”Ano sasabihin mo?“Wala eh.Pasensya kana wala akong pera.”Pero huwag mo sasabihing wala kang pera. Dahil sa wallet mo, meron kang singko sentimos, singko pesos na barya. Diba pera iyon?Huwag mo sasabihin wala dahil meron.Meron kang sampung piso.Meron kang dalawampung piso. Kasi pagsinasabi mo raw na wala, baka tuluyan ng mawala ka ng pera. Baka tuluyan kang mawalan ng grasya. What do I mean? Kapag may humihiram sa iyo, magbigay ka na lamang ng maluwag sa puso mo. Kunwari, nangungutang sayo ng 500. Ang maluwag sa puso mo ay 100. “Sister, tulong ko na lang yan sayo” At wala kanang inaasang anumang kapalit o maibabalik pa sa iyo. Don’t let these little children come out of your house without giving anything kahit maliit. Na sa huli magsisisi. “Bakit ba hindi ko binigyan ng pera.Meron naman akong 1000.”So anything that you have in your pocket. Anuman ang meron ka sa pocket mo, ibigay mo kahit masakit. Pag love offering, sige ibigay mo ung 1000. Ibigay mo ung 500. Kasi si 1000, si 500, si 100 ay hindi nakakapasok ng langit. Ang laging nakakapasok ng langit, ung 50 pesos, 10, 20 kasi iyan lamang ung hinuhulog natin. Be generous. Be generous of your deeds. Huwag kang maging maramot.Laging bukas ang iyong palad.Huwag mong i-ganyan. Sabi nga, “Love is something that you give it away, give it away, give it away. Love is something that you give it away and it comes right back to you. It’s just like a magic penny. Hold it tight and you won’t get any. Spend it, lend it, give it away, and it will come back right to you.” (song) Amen.

Kaya, huwag kayong maramot.Huwag kayong makasarili. Kapag ang last money mo na lang ay 1000 at nanawagan si Father para pagpapagawa ng bubong, ibigay mo. Pag-uwi mo, darating ang 1000 sa iyo. Naniniwala ba kayo doon? Parang hindi pa. Naniniwala ba kayo doon? YES.

Amen. Jesus I trust in You. Palakpakan natin ang Panginoon.

Ganun lamang po. Alam niyo ako I have many experiences of giving and it comes back. Ang bilis.Ang bilis.

Mt 5:7 “Blessed are the merciful, for they will receive mercy.” Kapag ikaw ay merciful, eh di siyempre ang aanihin mo rin ay mercy.Awa rin ang iyong aanihin.

Mt 18: 22-23 Jesus said to him, “not seven times, but I tell you, seventy-seven times. For this reason the kingdom of heaven may be compared to a king who wished to settle accounts with slaves.” Na kung baga kapag ikaw raw ay nagpapatawad, dapat magpatawad ka ng walang hanggan. It’s really hard to forgive lalo na kapag nagawan ka ng masakit. But sabi nga po, patawarin mo. It’s for your good. Para sa iyo po iyon. Kinakailangan mong magpatawad for your own sake. Why? Because kung hindi ka magpapatawad ano ang repercussion nito sa iyo? – High blood, nandyan ang ikaw ay laging naiinis, laging nababagot, laging galit, naka-angas. Pero kapag magpapatawad ka, you will build the inner peace, joy, because that shows the mercy of God in us.

Lk 6:36 “Be merciful as your heavenly Father is merciful.”

We are not only to receive the mercy of God but to use it by being merciful to others through our actions, our words, and our prayers. In other words, we are to practice the corporal and the spiritual works of mercy. The corporal works of mercy are drawn from St. Matthew’s account of the Last Judgement. Iyong po ung nagtanong ung righteous persons, “Panginoon, kailan ka po namin nakitang gutom, nauuhaw, walang damit, may sakit, nasa bilangguan, o dumalaw sa aming tahanan.” Ang sabi ng Panginoon, “Whatsoever you do to the least of my brothers, that you do it unto me.”

    What are those corporal works of mercy?
  • Feed the hungry. Kaya kayo po, ako madalas imbis nagpapalimos po ako ng pera lalo na po sa kalsada, lagi po akong may dalang isang balot ng sky flakes. Iyon po ang ibinibigay ko. Praktikal lang po ako. Alam ko itong mga taong ito baka hindi pa ito kumakain. So, I give food for the hungry. Pero sabi nga po, you give the poor a bread for this day, it will satisfy its hunger for the day. But teach the poor how to fish, and he will have food throughout his life. Na kung baga mga kapatid, turuan din natin sila na iangat ang dignidad nila bilang mahihirap. Dahil sa kahirapan hindi sila makakain. But teach them also, how to sustain their life and to maintain their dignity as a human person. Kaya nga po sa aming diocese, sa aming Divine Mercy Apostolate, sa aming year planning from the month of January up to December, we have programs, na lahat ng corporal works of mercy and spiritual works of mercy ay nagagampanan po every month. Corporal- spiritual-corporal-spiritual. Para po magampanan ang lahat. Pumupunta po kami sa mga institutions, nagpapakain o sa mga destitute areas, nagpapakain ng lugaw o ng champorado, sopas. Those are practical things that we can do para madama ng mga kapatid nating kapuspalad na hindi tayo malayo sa kanila. Na tayo na ang lumalapit sa kanila.
  • Give drink to the thirsty. Sa mga nauuhaw, give drink to the thirsty. Thirsty here does not mean quenching the thirst of the human body. Thirsty for longing. Thirsty for acceptance. Thirsty for ung bang mga uhaw sa pagmamahal, ung simpleng yakap lang, ung simpleng tapik lang sa kaibigan mo, ung bang ma-embrace mo sabihin, “Kapatid, mahal kita.” Gawin nga ninyo yan sa katabi niyo. You embrace ung katabi ninyo at sabihin niyo, “I love you.” So these are practical examples of how you can quench the thirsts of a person in need of love, of acceptance, of affirmation. Kelan mo nasabi sa asawa mo “I love you.” When was the last time that you say talagang, “I am sorry, I forgive you and I love you?”
  • Clothe the naked. Bigyan ng damit ang mga hubad. Nako, ito kapag may panawagan, mga nasalanta ng bagyo, huwag niyo naman ibibigay ung mga makakapal niyong fur coat, mga pinagsuotan ninyong gown. Ang ibibigay natin ay ung bago. Can you not let go of your Louis Vuitton, of your Bench, of your Tag Heuer, or your Tommy Hilfiger, can you not let go of this? Yung iba kasi ang liit liit na sakanila, nandun pa sa cabinet, di na nila mabitawan. They cannot let go of their material things. Ang sabi ni Lord, ipamigay mo na yan. May kapalit na iyan. Ibigay mo na iyan.
  • Shelter the homeless. Kapag may kapitbahay ka, pag may bagyo. Ung bahay namin noong Ondoy, naging shelter home. Ansaya. Masaya. Kinukuwento ng mga kapatid ko, duon naglulutuan, salu-salo sa pagkain. Ganun. Kapag walang matirhan, patirahin mo. Pakainin mo. I-welcome mo bilang iyong bisita. At kapag may sakit, dalawin mo. Alam mong may sakit kang kapit bahay. Kapit bahay mo na nga lang di mo pa madalaw. Ano ba naman ung kamustahin mo. “Uy kamusta kana, Sister?”
  • Visit those in prison. Dalawin mo rin ung nasa prison. Dapat meron tayong prison apostolate. Dumadalaw tayo sa jail, nagmimisa, nagpro-proclaim ng Word of God. So these are practical things para maipakita natin ang deeds of mercy. These are practical things na kailangan na nagagampanan natin para maipadama natin ung awa ng Diyos sa ating kapwa. At sana po itong Corporal works of Mercy, ay talagang with all dedication and commitment, nagagampanan po natin especially in the Parish. Mayroon po tayong programa, na nai-aapply po natin itong corporal works of mercy but then there are also spiritual works of mercy.
  • Visit the sick
  • Bury the dead
    The spiritual works of mercy are listed as follows:
  • Instruct the ignorant. Kapag may katulong po kayo. Grade 2 lang iyan graduate. O di pa naka graduate, umabot lang ng grade 2. O kaya ang iba ay illiterate. Eh kayo kung sigawan ninyo, “antanga-tanga mo naman. Ilang beses ko ng sinabi sayo” Ganyan ang bibig natin, diba? Iyong mga amo kung makasigaw sa mga katulong. They are ignorant. So teach them. Educate them. Papag-aralin mo kung kaya mo. Papag-aralin mo ung katulong niyo ung night classes. Oh diba nakakatulong ka. Naiaangat mo pa ung dignidad nila bilang tao. Huwag mo silang hamakin. Don’t pull them down. Ignorante na nga pagtatawanan pa natin. Wala na ngang alam, inaabuse pa natin. No read no write na nga ay nilalamangan pa. But we should instruct them. Teach them. Educate them. Form them lalo na ung mga kapatid natin sa depressed areas. Tayo mga taong simbahan, tayo ang lumapit sa kanila. Ang mga Divine Mercy propagators and devotees, tayo ang lumapit sa kanila. Turuan natin sila. Turuan natin magdasal. Turuan nating malapit sa Diyos. We teach them.
  • Admonish the sinner. Paalalahanan ang mga nagkakasala. Paalalahanan sila, lapitan sila. Ito iyong tinatawag na Fraternal Correction. Na lapitan mo sila, ipabatid mo sa kanila, “Kapatid mahal kita kaya ko sinasabi sayo ito dahil ito ang napapansin sayo ng community. Sana baguhin mo itong masamang ugali mong ito.” Fraternal Correction.
  • Counsel the doubtful. Ung mga nagdududa. I-counselling mo. Paliwanagan mo. Buhay ang Diyos. Jesus is alive! Mahal ka ng Diyos. Huwag mong pagdudahan ang Diyos. Kaya ito ibinigay sa atin ng Diyos dahil mahal tayo ng Diyos. At tanggapin natin ng maluwag sa puso natin kung ano man ung problema, sakit, hirap. We offer it to God and we put our trust in Him.
  • Comfort the sorrowful. Ung mga namatayan. Kaya tayo pumupunta tayo, nakikipaglamay tayo. We grieve with them. Nakikidalamhati tayo sa kanila.
  • Bear wrongs patiently. Ung pagkakamali ng kapwa mo, eh pagpasensyahan mo. Patawarin mo. Kung nagkasala man sayo ang asawa mo patawarin mo. Sabi nga ni Adrian, “I am sorry mahal.” Magpatawad tayo dahil alam nating masakit. Eh kasi best friend pa ni Monica, si Nicole pa ang nag-ano sa kanya, duon sa asawa niya, kay Adrian. Ung mga ‘kapamilya’ makakarelate po dito. Pero ung mga ‘kapuso’ ay hindi po. Na kungbaga, dito ay sinasabi sa atin, na naroon na tayo, patawarin natin ang mga nagkasala sa atin. Because if we will not forgive them, more injury will inflict in us. At hindi mo maipapakita iyong awa ng Diyos. Pag nakikita mo ung asawa mo, “Lumayas ka. Taksil ka.” Ung mga conversation doon ni Monica, “Hayop ka.” Bilang tao, you blurt out these words because you are full of anger. Punung-puno ka ng galit. But if you let that anger, be full of mercy and forgiveness of God ay naroon at the end of the day, you will say these three magic words, “I am sorry, I forgive you and I love you.” Kaya ba ninyo iyon? Kaya ninyo iyon? I hope. I hope.
  • Forgive all injuries
  • Pray for the living and the dead. Kaya nga po tayo nagpapadasal tayo sa mga may sakit, sa mga buhay nagpapasalamat, sa mga patay, pinagdarasal po natin sila. So, my dear friends, helping others to bear wrongs patiently are apparently what St. Peter intended in writing, “When a man can suffer injustice and endure hardship through his awareness of God’s presence and mercy, this is the work of grace in him. If you do wrong and get beaten for it, what credit can you claim?” Diba “If you do wrong and get beaten for it, what credit can you claim? BUT if you put up with suffering for doing what is right, this is acceptable in God’s eyes. It was for this, you were called since Christ suffered for you in just this way and left you an example you have to follow in his footsteps.” St. Paul, likewise, counsels, help carry one’s another’s burdens in that way, you will fulfill the law of Christ, and that is the law of love, of mercy and of compassion. (Gal 6:2)

“I need sacrifice lovingly accomplished, because that alone has meaning for Me. Enormous indeed are the debts of the world which are due to Me; pure souls can pay them by their sacrifice, exercising mercy in spirit.”

“Many souls are often worried because they do not have the material means.” Wala raw po tayong material means, “with which to carry out an act of mercy. Yet spiritual mercy, which requires neither permissions nor storehouses, is much more meritorious and is within the grasp of every soul” Salat man tayo sa pera para tumulong sa ating kapwa, pero ung mag-alay ng panalangin para sa isang kapatid na naghihirap ay sapat na upang tayo ay maging kalugudlugod sa Mabathalang Awa ng Diyos. Amen.

God is Good. All the time.

All the time. God is good.

“If a soul does not exercise mercy somehow or other, it will not obtain My mercy on the day of judgement.” Uulitin ko po. Ang isang kaluluwa na hindi nagpapahayag o gumagawa ng habag o gawang habag sa kanyang kapwa, sa huling araw ng paghuhukom, ay hindi ko rin igagawad sa kanya ang Aking awa.

“Oh, if only souls knew how to gather eternal treasures for themselves, they will not be judged, for they would forestall My judgement with their mercy.” That even money cannot buy the mercy of God. What we all need is to show DEEDS OF MERCY, WORDS OF MERCY, and PRAYER FOR MERCY. Amen.

Let me end my reflection with a prayer. Join with me.

O Jesus, I understand that your mercy is beyond all imagining, and therefore
I ask you to make my heart
so big that there will be room in it for the needs of
all the souls living on
the face of the earth.

O Jesus, my love extends beyond the world, to the souls suffering in purgatory, and
I want to exercise mercy
toward them by means of indulgence prayers.
God’s mercy is unfathomable and inexhaustible, just as God Himself is unfathomable.

Even if I were to use
the strongest words
there are to express
this mercy of God,
all this would be nothing in comparison
with what is reality.

O Jesus,
make my heart sensitive to
all the sufferings of
my neighbor,
whether body or of soul.
O my Jesus, I know that
You act toward us as we act toward our neighbor.

My Jesus,
make my heart like unto your merciful Heart.
Jesus help me
to go through life
doing good to everyone.
(Diary 692).

Amen.

Jesus, I trust in You.

Good afternoon to everybody.

Session 3

DIVINE MERCY CONFERENCE
Parish of the Lord of Divine Mercy
April 26, 2014

Session 3
Rev. Fr. Florentino (Boyet) Concepcion
Best Practices in Divine Mercy Apostolate
Mission Director, St. Martin de Porres, Bustos, Bulacan

Magandang hapon. Napadpad kami dito sa inyong parokya ng Divine Mercy. May kwento ako ki Fr. Steve. Si Fr. Steve, magbi-birthday noon pero ayaw maghanda kasi wala siyang pera. Magho-Holy Hour na lang daw siya. Pero yung PPC coordinator, naghanda. Nag-assign siya ng mga magluluto ng masasarap na putahe. Daming putahe, may pansit, arroz valenciana, lumpiang shanghai, menudo, adobo, etc., etc. Sabi ni PPC Coordinator ki Fr. Steve, “ganyan ka namin kamahal, Father. Kain na.” Pero di muna kumain si Father, nakatingin sa maraming kumakain. Nang halos lahat ay nakakain na, halos ubos na rin ang pagkain. Pero may nakita si Father na putahe sa gitna ng mesa. Ang arroz valenciana, hindi ginalaw. Nilapitan niya, mukha namang masarap. Bakit kaya walang kumain? Nilapitan nya at nakita nya, ang arroz valenciana, walang serving spoon!

Mga kapatid, kayo ang serving spoon ng simbahan. Kayo ang serving spoon ng parokya. Kayo ang daluyan ng mabathala at dakilang awa ng Diyos. Di kaming mga pari lamang. Lahat tayo. In fact ang taong ito ay naka-focus sa mga LAICO. Ano ba ang ibig sabihin ng laico? Kayo ang laico, ang pag-asa ng simbahan. Kayo ang may sensitibong role sa mithiin ng Panginoon na mapalaganap sa ating kapwa ang Kanyang mabathalang awa.

Ako po si Fr. Boyet. Siguro mga 32 years na akong nagmiministeryo sa isang misyon sa mga bata at matatanda. Mga batang ibat’ iba ang mga nanay at tatay at iba-iba na ang karanasan. Bata pa man, 8 years old, naninigarilyo na, nagsisinghot na ng solvent, nagbubukas na ng kaha ng may kaha. Yan ang ating lipunan.

Bakit 32 years na akong naglilingkod? Dahil yun ang bugso ng aking puso. Yun ang sa tingin ko ay ipinagagawa sa akin ng Diyos. Yun ang paraan para maintindihan ko ang gospel. Ang hirap kayang ipaliwanag ang gospel kung hindi mo maintindihan. Bakit yung ibang sekta, dumadami sila? Tayo ay natatalo ng ibang sekta sa galing at sipag sa pagpapaliwanag ng Salita ng Diyos. Ngayon may tinatayo sa aming pagkalaki-laking sentro ng Iglesia ni Kristo. 120 hectares. Ang gagaling magpaliwanag ng Iglesia, kahit sino, kahit saan, sila ay nagpapaliwanag. Sa gitna ng palengke, sa bus, sa mga bahay, sa opisina, nagpapaliwanag sila ng gospel. Marami silang naakit, marami silang nabubuksan ng isip. Katulad ni Paquiao, nabuksan ang kanyang isip. So, paano natin ipinapahayag si Kristo? Sa bokadura ba? E paano kung may mas magaling sa ating magpahayag na hindi Katoliko?

Ang pinakamalakas na pagpapaliwanag ng awa ni Kristo ay walang iba kundi sa paglilingkod. Sa paglilingkod, doon ko naiintindihan ang gospel. Nagsimula ako sa matatanda. Limang taon akong nag- alaga ng matatanda. Minsan may dinala sa akin ang isang doctor, isang babaeng may sugat sa paa. May diabetes siya, nagnanaknak ang kanyang paa, umiiyak siya. Sabi ko, “halika Lola, lalanggasin po natin ang sugat mo.” Pagkalanggas ko, ngumiti siya. Ang sabi nya, “Father, Thank you.” Ganun din yung isang dinala sa akin na matanda na iniwan na ng kanyang mga anak, putol ang isang paa at ang isa ay sugat-sugat pa. Nagpakulo ako ng bayabas at nilanggas ko ang paa nya. Epektib. Sa kalalanggas ko, nakupo, natanggal ang daliri sa gitna. Masakit, lolo? Ali, ali!, sabi nya sa Kapampangan. Sorry Lolo, naalis ang isang daliri nyo. Pag tayo ko, hinawakan nya ang kamay ko, hinalikan nya at sabi ni lolo,” apo, I love you.” Niyakap ko siya at ang sabi ko sa kanya, “I love you.” At nakita ko si Kristo sa kanyang mukha.

Sa paglilingkod, kahit na sinong naglilingkod, pari o hindi pari, kailangan lumilitaw ang Diyos sa pagitan natin. Sapagkat kaya tayo naglilingkod ay naglalakbay tayo papunta sa Kanya. Ang mahalaga ay maintindihan natin ang nangyayari sa pagitan mo at ng taong pinaglilingkuran mo, at doon lilitaw ang malinaw na larawan ng Diyos. Sapagkat ang paglalakbay patungo sa langit ay paglalakbay mo mula sa iyo patungo sa iyong kapwa.

Isang araw, pumunta ako sa jail. Pagdating dun, may isang matandang lalaki, pinutulan ko ng kuko. Paglabas ko ng pinto may isang doctor, nagmamasid. Sabi niya, “Father, ako ay Born Again, bakit mo ginupitan ng kuko ang matandang ‘yun?” Sabi ko, “for Jesus.” Sabi nya, “mapupunta ka sa langit.” Para sa akin, hindi na ako kailangan pumunta sa langit. Para sa akin, ang paglingkod sa kapwa ay isang pribilehiyo ng Diyos para maramdaman ko at maintindihan kung ano ang langit. Sapagkat naglilingkod tayo hindi dapat para sa ating sarili kundi para sa ating kapwa.

Ang ganitong gawain ay nagsanga na sa mga drug victims at ngayon, street children. Meron akong 110 street children ngayon sa Bustos. Bakit ko po ginagawa ito? Sapagkat ang lingkod ng Panginoon, kung hindi siya handang masaktan, hindi siya lingkod. Ang pag-ibig at pagpapakasakit na may kahalong sakit, ay laging magkasama. Pag tayo’y naglilingkod at touchy ka o sensitive at, halimbawa, ininsulto ka o di ka pinansin at ayaw mo nang maglingkod, hindi ka lingkod.

Tatlong bagay ang gusto kong bigyan ng diin. Ang isang lingkod ng Panginoon, pari o hindi pari - tayo ay alagad, hindi panginoon. Tayo ay katiwala, hindi amo. Tayo ay magpapatotoo, hindi pakitang tao. Yan ang mga katangian ng isang lingkod ng Panginoon.

Tayong lahat, pari o di pari, pag pinag-usapan na ang mabathalang awa ng Diyos, tayo’y lalagyan ng awa ng Diyos, lalagyan tayo. Dinaraanan lang tayo. Kaya dapat ang isang naglilingkod ay banal. Kung kayat pag hindi malinaw ang pag-unawa natin kay Kristo at sa Ebanghelyo, malabo na tayo ay maging lingkod ng Diyos. At bilang Kristiyano , lahat ng gagawin natin gagawin natin sa pangalan ni Kristo. At ang unang hiling ni Kristo, dapat ang isang sumusunod sa kanya ay nagsasakripisyo.

Alam nyo kung saan ako namamalengke para sa mga alaga kong 110? Dun sa bagsakan ng isda, papuntang Cavite. Pumupunta ako ng ala-una mula Bulacan. Bakit ako doon bumibili? E, saan ka makakakita ng isang kilong tamban, 15 pesos? Ang isang batya ng turay, 10 piso ang kilo. Bakit ako nagtitiis gumising ng maaga at pumunta doon? Pag isang daan at sampu ang papakainin mo, marami kang kailangan. Tatlong daang kilong isda at 2 kabang bigas sa isang araw. Kung isa kang ama, matitiis mo ba ang mga anak mo? Di ba maghahanap ka ng pinakamura? So, kung makakatipid ka, kahit parang hinampas ang likod mo, masaya ang puso mo. Ang tanda ng paglilingkod, magaan ang loob. Kahit hirap ang katawan, mayaman sa espiritu, sapagkat si Kristo ang pinaglilingkuran mo, wala nang iba.

Kaya nga, ang buhay natin kapag nilagay natin ang ating sarili sa paglilingkod sa Diyos, nasaan ang Diyos? Nasa ating kapwa. Matthew 25:35-40. Sinong kapwa? Ako’y nagutom at inyong pinakain, ako’y uhaw at ako’y inyong pinainom. Ako’y walang tuluyan at inyong pinatuloy sa inyong tahanan. Maysakit , nasa bilangguan at inyong pinagaling at dinalaw. Tingnan nyo ang Panginoon. Verse 40: “anuman ang ginawa nyo sa pinakamaliit sa akin, ay sa akin nyo ginawa.” Mahirap bang unawain yan?

Yung mga salmo na ginamit ng Panginoon kahit sa panahon ngayon, tumutukoy. Lumabas ka ng bahay, may street child. Hindi ba, makikita mo, gutom na gutom. At kung nagbabasa ka ng Bibliya, hindi mo mahihirapang intindihin ang hinihingi ng ating Panginoon. A, Father, ang gustong sabihin ba, ibibigay ko ang aking mga ari-arian sa mahihirap? Ibig kong sabihin, lagi mong titingnan, hahanapin mo ang mukha ng Panginoon sa saya ng taong darating sayo at mangangailangan.

Iba-ibang bata ang nakukuha namin. Nakukuha namin sa Del Pan, sa Baseco, may mga tattoo ang iba. Pero bakit bumabait? Nilalapit namin kay Kristo. May Holy Hour, may misa, may seminar, may devotion, bible sharing. Samakatwid, ang trabaho ay sa Panginoon. Ginagamit lamang tayo na katiwala ng Panginoon.

John 15:5. Ako ang puno ng ubas at kayo ang mga sanga at ang sanga ay panatilihing nakakabit sa puno sapagkat di mabubuhay ang sanga kung nakahiwalay sa puno. Kayat dapat ang isang lingkod ng Panginoon, ang isang mananampalataya ay nakakabit sa puno na walang iba kundi ang Panginoon, at ginagabayan tayo ng ating pari sa ating parokya.

Kung kaya kung sa inyong mga tahanan ay ginagawa nyo ang inyong mga tungkulin sa pamilya, dapat maganap ninyo ng may timpla ng pag-ibig at pag-unawa ng ating Panginoon.

Doon sa mga ginagawa namin, merong mga tanda na ang kamay ng Diyos ay gumagalaw. Noong Pebrero, di ba 2 kabang bigas bawat araw ang sinasaing? Sabi ngkitchen, “Father, 1 ½ kaban na lang po ang bigas.” “Nakasaing na ba?” “Opo Father, for the day.” Umalis na ako. Nung hapon, may tumawag. “Father, andiyan ba kayo bukas?” “Oo, bakit?” “Kasi Father, pupunta sana kami dyan.” “Bakit?” “Wala Father, may dadalhin lang kami.” Dumating sila kinabukasan, mga alas-11 ng tanghali, may dalang 40 kabang bigas. Sagot na ang 20 araw namin. Ganoon si Lord.

Kung minsan kasi, nagigipit tayo, nawawalan tayo ng tiwala. “Naglilingkod naman ako sa Iyo.” “Bakit mo ako pinahihirapan?” Hindi ganoon. Kung meron, meron. Kung wala, wala.

Alam nyo, hindi bigas ang aking ikinagulat. Alam nyo, ang nagdala, hindi pa Katoliko. Grupo ng mga Buddhist. Yan si Lord, may sense of humor, pinapakita na Siya ang Diyos ng lahat ng nananampalataya at iisang Diyos ang ating pinaglilingkuran.

So, tayo ay hinahamon ng ating Panginoon, lalo na at itong ating pananampalataya ay sa Divine Mercy na inuugnay natin sa ating papa na gagawing Santo bukas. Divine Mercy. Alam nyo ang kulang natin sa ating lipunan? Ang krisis ng ating simbahan ngayon ay hindi kulang ang mga pari o kulang ang mga mananampalataya. Ang kulang sa atin ang paghawak sa prinsipyo ng pananampalataya. Sa panahon ngayon, nawawala na ang personal touch. Dapat yung mga simple, yung nagbibigay-kahulugan sa ating pananampalataya na may kaugnayan sa ating relasyon sa isa’t isa.

Personal touch. Person. Nawawala sa ating pananampalataya ang Diyos na sinasamba ko at pinaniniwalaan ko. Kailangan makita ko sa anak ko, sa kasama ko, sa asawa ko, sa mga mahihirap, sa mga nangyayari sa buhay. Pag di ko nakikita yan, may problema. Nagiging self-centered ka na. Nagiging komportable ang relihiyon.

Kaya nagsisiksik ako sa buhay na ganito. Nung nag-aalaga ako ng maysakit, naglalanggas ng sugat sa paa, alam ko dahil nabasa ko sa Bibliya, na ang pinaglilingkuran ko ay ang Panginoon. Kahit na nasasaktan ako at nahihirapan sa paglingkod sa aking kapwa, naiintindihan ko at nakikilala ko ang Diyos sa aking kapwa.

At dyan ang malaking tukso sa ating mga mananampalataya. Bakit ba nag-flourish ang ibang sekta? E, kasi dalawa ang klase ng grasya: isang cheap at isang costly. Yung costly, pinaghihirapan mo. Hindi ba, ang sarap maglingkod pag nahihirapan?

So itatranslate natin ang ating apostolado sa araw-araw na gawa natin – opisina, bahay, eskwelahan, barkadahan, etc. Ita-translate ninyo at dito niyo titingnan ang sagot nyo sa tawag ng Panginoon.

Noong tumawag si Sis. Maiette, sabi pangatlong speaker ako. Tatlo nang talks sa maghapon, tatlong pari. Sa dami ng talks na inyong pinakinggan at tinanggap, sa dami ng naipon ninyong kaalaman tungkol sa Bibliya at sa Salita ng Diyos, ano na ba ang nangyayari? Anong tawag sa aral ng aral? Hindi ba “disciples”? Hindi ba yung mga alagad ni Kristo, nag-aral sa Kanya? Tatlong taon niya silang tinuruan. Tatlong taon nyang tinuruan yung labing dalawa, nalaglag pa yung isa. Tinuruan Niya, pinakain Niya, kasama Niya sa bahay, tinangay-tangay Niya.

Discipleship. Disipulo tayo, alagad ng Panginoon. Pero hindi lang alagad. Dapat ang alagad, pag marami nang alam, ibinabahagi ang alam. Kung sinong matagpuan mo. Hindi yung kung yung asawa mo ay buwisit, hiwalay na kayo. Hindi pwedeng ganoon. Di ba sabi ni Kristo, sundan mo Ako, iwanan mo ang lahat, pasanin mo ang krus at sundan mo Ako. Laging may kaakibat na pagpapakasakit at hirap.

Yung alagad dapat magiging misyonero. Meron naman gusto misyonero agad. Anong ipapaliwang mo tungkol sa iyong paniniwala kung wala ka namang natutunan sa buhay na ito. Ang mananampalataya sinusubok. Yun ang costly grace. Pag namamalengke ako ng gabi. Pag ang mga bata hindi nasunod. Costly grace. Gusto ko nang umuwi sa amin minsan. Ang sabi ng tatay ko, pinili mo yan, bumalik ka doon. Costly grace. Pinamumuhunanan ang Panginoon. Binibigay ang the best in you. Kung ano ang pinakaka-conserve-conserve mo, yung comfort mo, yung sensitivity mo, yung pagkakilala mo sa sarili mo, yung nalalaman mo, bigla mong iwawaksi dahil ang lingkod ng Panginoon, dapat tularan si Kristo. Costly grace. Kahit lagi kang nasa una o huli, lingkod ka rin. Alagad ka, hindi panginoon. Patotoo ka, hindi pakitang-tao.

Ano ang cheap grace? Yung di mo pinaghirapan. Ang dami-daming ginawang kasalanan sa buhay, di ka nangungumpisal. Nagsasama, hindi naman kayo kasal. At yung mga anak mo, di mo na inisip kung nasa grasya ng Diyos. At dahil sa society ngayon, legal naman daw ang RH Bill, ganoon na lang gawin natin, maintindihan naman ng Diyos yun. Cheap grace. Dahil di mo naman pinaghirapan, ang daling itapon, ang daling talikuran, ang daling iwanan.

Di ba pag ang anak mo bata pa, pinipisil-pisil mo pa sa pisngi. Pag 16 years old na, gusto mo nang sakalin. Pag mahal mo’t pinaghirapan mo, pagtityagaan mo. E, paano Father pag di ko na matiis? Pag nakita mo ang iyong pinagsakripisyuhan - asawa mo, anak mo, kaibigan mo - di mo siya matitiis. Kung hindi mo kaya ang iyong asawa, misyunin mo siya. Tingnan mo lahat sa punto de vista ng misyon. Gagawin mo sa kanya ang gagawin ni Kristo kung si Kristo ay nasa lugar mo.

Yung mga batang kasama ko, may gumradweyt na. Sabi ko sa kanya, “o, sino ang kasama mo sa entablado?” “Ikaw, Father.” Nakupo, kaysarap ng pakiramdam. Hindi naman ako ang ama, sa akin lang lumaki. Parang lahat ng pagod ko ay naibsan. Dahil ang naging puhunan ko ay kay Kristo.

Kaya’t kayong mga nananampalataya, kung saan kayo hipan ng Holy Spirit, dapat, nakikita natin ang prinsipyo, mukha, kalooban ni Kristo at ano ang gagawin mo kung si Kristo ang nasa kalagayan mo.

So, discipleship, it leads to mIssionary work. Lahat ng laico, misyonero ni Kristo. Kung di ka marunong mag misyon, kung di mo matatalaga si Kristo sa puso mo, anong klaseng Katoliko ka, anong klaseng pananampalataya meron ka?

Yung damit mo na hindi mo naman ginagamit, ibigay mo sa nangangailangan. Sabi ni Cardinal Vidal, yung mga damit mo na di nasusuot at sobra-sobra, at mga sapatos na di ginagamit, ipamigay mo, hindi naman kayo alupihan.

Sa ating pananampalataya, alam mo ang kulang – yung rekado ng gawa. Sabi nyo Best Practices, anong best practices? Napipili ba yan? IIsang bahay tinitirhan natin, iisang buhay ang isinasabuhay natin. Hindi ba naghihintay tayo ng tawag ng Panginoon? Kung saan man, kung saan ka…Ano ang hinihingi ni Kristo sa inyo? Ano ba ang sinabi ng ating Panginoon na maglingkod tayo? Nasaan ang Divine Mercy? Nasaan ang sinasabi nating na tayo ay kay Kristo? Anything you do in the name of love, it’s divine. Anything you do, sapagkat ang Diyos natin, ang dali namang pasayahin. Konti lang, hindi naman Siya demanding, hindi Siya abusado. Ang hinihingi Niya ay kung ano ang totoo at mula sa puso.

Meron sa atin, ayaw magbigay sa pulubi. “Naku Father, sindikato yan.” Naku, kung ganyan ang rason mo, wala kang matutulungan. Sabi ni St. John Mary Vianney, “pabayaan mo na ang itinulong mo, bahala na ang Diyos kung saan Niya dadalhin ang tulong mo. Ang titingnan ng Diyos, kung ano ang ginawa mo sa iyong kapwa.”

Kaya kahit konti lang, sapat na yun. Umpisahan mo sa asawa mo. Ginagamit lamang tayong kasangkapan ng Diyos. Sabihin niyo sa sarili niyo, “ako ay kasangkapan ng Panginoon upang maging daluyan ng Kanyang Banal at Mabathalang Awa.” Hanapin ninyo ang malinaw na mukha ni Kristo sa lahat ng gagawin ninyo. Sumainyo ang Panginoon. Amen.